Mga pananaw module 14 esp mga isyung sekswal

Mga pananaw module 14 esp mga isyung sekswal

Mga Pananaw sa Isyung Seksuwal:

1. Ang pagkakaroon ng sariling pananaw tungkol sa sekso ay isang kalayaan ng bawat isa. Pero dadalin ka nito sa kahatulan yamang ang kakayahan sa sekso ay hindi likha saganang sarili kundi isang regalo. At nais ng Lumikha sa iyo na gamitin mo ito sa paraang dinisenyo niya. Napagagalak mo ang puso Niya kapag pinanatili mo ito sa tama at likas na dako, at pinagpapala Niya ang puspusang nagsisikap na magpakita ng paggalang sa kaayusan ng pag-aasawa at kasagraduhan ng pagtatalik.

2. Ang ganitong pananaw bagaman maaaring iba sa pananaw ng iba ay inaasahan mong igagalang nila ng hindi iginigiit na ito ay diskriminasyon sa mga homosekswalidad o sa mga hindi mag-asawang nagtatalalik. Kasi, hindi mo inaalis ang pakikitungo sa kanila ng may dignidad. Ang hindi mo lang gingustong gawain mo ay ang gawaing imoral at hindi ang pagkatao nila.

3. Nais mong manguna sa pagbibigay dangal sa lahat ng uri ng tao. At nais mong igalang sila kung paanong nais mo ding igalang ka din nila.

4. Ang pagiging responsableng mamamayan ng lipunan ay hindi lamang ang isa na produktibo kundi ang isa na mayroong mataas na pamantayan sa moral. Ngunit isang bagay ang tiyak- nananaisin mong pakitunguhan ang lahat ng patas sa karapatan at tungkulin.


Comments

Popular posts from this blog

Ikaw Ba Ay Pro-Life O Pro Choice Para Sa Usaping Abortion Ipaliwanag

Ano Ang Ibgsabihin Ng Great Game

Gumawa Ng Pananaliksik Tungkol Sa Suliranin Ng Agticultura Sa Pilipinas