Ikaw Ba Ay Pro-Life O Pro Choice Para Sa Usaping Abortion Ipaliwanag

Ikaw ba ay pro-life o pro choice para sa usaping abortion ipaliwanag

Upang masagot ang tanong kung ikaw ba ay pro-life o pro-choice para sa usaping abortion, kailangan munang masuri ang ilang mga tanong at sagot ng Bibliya. Bakit ang Bibliya at hindi ang sariling mga kasagutan? Ito ay dahil, hindi naman talaga ito isyu na masasagot ng tao, kundi ng Diyos. Bakit siya ang karapat-dapat na sumagot nito? Malalaman natin ito sa mga sumusunod na tanong at ang sagot Niya.

Ano ang tunay na proseso o naging kalagayan ng isang aborsyon? Ito ay ang pagkalaglag ng fetus. Ang fetus ay hindi maaaring mabuhay sa labas ng sinapupunan anupaman ang gawing teknolohiya sa ngayon. Puwede itong iuri bilang likas o pagkaagas dahil sa sakuna o mahinang kalusugan ng ina. Ang nabibigyan ng isyu ay ang kusa o sadyang pagpapalaglag. Ito ay upang pigilan na ang pagsilang nito.

May epekto ba ito sa Bukal ng ating buhay, ang Diyos? Oo.

Sagot ng Bibliya:

Gawa 17:28 "Dahil sa kaniya, tayo ay may buhay at kumikilos at umiiral, gaya nga ng sinabi ng ilan sa mga makata ninyo, 'Dahil tayo rin ay mga anak niya.'"  

Awit 36:9 "Nasa iyo ang bukal ng buhay; Sa pamamagitan ng liwanag mo ay nakakakita kami ng liwanag.."

Roma 14:12 "Kaya ang bawat isa sa atin ay mananagot sa Diyos para sa kaniyang sarili."

Ang panahon ba ng paglilihi ay itinuturing ba na may buhay na? Oo.

Sagot ng Bibliya

Awit 139:13-16: "Dahil nilikha mo ang aking mga bato;  Iningatan mo ako sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri kita dahil sa kahanga-hangang paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin. Kamangha-mangha ang iyong mga gawa, Alam na alam ko ito.  Ang mga buto ko ay hindi tago sa iyo, Nang gawin ako sa lihim, Nang habihin ako sa kailaliman ng lupa. Nakita ako ng mga mata mo kahit noong binhi pa lang ako; Ang lahat ng bahagi ko ay nakasulat sa iyong aklat.Tungkol sa mga araw nang mabuo ang mga iyon, Bago pa mabuo ang alinman sa mga iyon."

Ano ang magiging resulta kapag napahamak ang di pa nasisilang na sanggol? Hatol nito ay kamatayan depende sa kalagayan.

Sagot ng Bibliya:

Exo. 21:22, 23 "Kung may mga taong mag-away at masaktan nila ang isang babaeng nagdadalang-tao at mapaaga ang panganganak nito pero wala namang namatay, dapat magbigay ang nagkasala ng bayad-pinsala na ipapataw ng asawa ng babae; at ibabayad niya kung ano ang ipinasiya ng mga hukom. Pero kung may mamatay, magbabayad ka ng buhay para sa buhay,

Ano ang tingin ng Diyos sa pagkitil ng sanggol sa sinapupunan nang sinasadya? Itinuturing na siya bilang indibidwal.

Sagot ng Bibliya:

Gen. 9:6 "Ang sinumang pumatay ng tao ay papatayin din ng tao, dahil ang tao ay ginawa ng Diyos ayon sa Kaniyang larawan."  

1 Juan 3:15 " Ang bawat isa na napopoot sa kapatid niya ay mamamatay-tao, at alam ninyo na walang mamamatay-tao ang tatanggap ng buhay na walang hanggan."

Matuwid ba ang aborsyon dahil sa medikal na kadahilanan? Nagiging mahirap ang tanong na ito dahil karaniwan na ay dahil ang buhay ng ina ang puwedeng isapanganib.

Ang opinyon ng doktor ay mahalaga ngunit hindi niya hawak ang talagang mangyayari yamang puwede siyang magkamali. Tanungin ang sarili, tama na bang patayin mo ang isa dahil lang sa puwede niyang saktan ang iba? Ang medisina ngayon ay nakaaabot na sa pagsulong upang mapanatili ang buhay ng hindi lamang isa kundi mismo nilang dalawa nang hindi na kailangang mamili kung sino sa kanila ang bubuhayin at ang isa ang papatayin. Gayunpaman, ang nasasangkot ang siyang magpapasiya sa pagkakataon na mangyari sa kaniya na kailangang mamili hindi ng kung sino ang kikitlin ang buhay kundi ng kung ano ang pinakamahusay na medikal na proseso upang parehong mapreserba ang buhay. Ano man ang kahinatnan nito, ang Tagapagpanatili ng Buhay, ang ating Diyos, ay walang pasubali na alalahanin ang sinumang nagsisikap na igalang ang buhay.

Sa katapus- tapusan, masasagot mo na ngayon kung pro-life ba ang Diyos o pro-choice. Maliwanag, pro-life.


Comments

Popular posts from this blog

1.)Jay Drops A Stone From Rest At The Top Of 55m Tall Building.With What Velocity Does It Hit The Ground?, 2.) A Ball Drops Freely From The Roof Towar

What Is The Definition Of Social Justice?

A Companys Fixed Cost Is 120000. It Cost The Company 280 To Prduce Each Unit Of Its Product And It Sells Each Unit For 310