Buod Ng Kabanata 18 Ng Noli Me Tangere

Buod ng kabanata 18 ng noli me tangere

Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap (Buod)

         Sadyang may mga tao na hindi iniisip kung sila ay nakakasakit ng kanilang kapwa. Hindi nila inaalintana kung ang damdamin ng kanilang kapwa ay nasaling. May mga tao kasi na walang preno magsalita lalo na ang kausap ay mahirap lamang.

          Mababasa sa kabanatang ito kung paano nabulag ang mga tao sa mga maling paniniwala tungkol sa kaligtasan ng mga kaluluwa mula sa Purgatoryo.

           Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na kayang inalay. Dahil sa kanyang karamdaman ay hindi niya pinansin ang mga hermana at hermano mayor na naghihintay sa kanya upang siya ay kausapin. Bagkus ay dali-dali siyang nagtanggal ng kanyang sutana at tumuloy sa kanyang silid.

           Hindi na lang kumibo ang mga debuto sa inasal ng pari. Karamihan sa mga ito ay mga matatanda na siyang naatasang mangasiwa para sa nalalapit na kapistahan. Sa gitna ng palitan ng kanilang mga kuro-kuro ay napag-usapan nila ang tungkol sa usapin ng indulhensiya.

           Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming indulhensiya ang siyang maliligtas ang kaluluwa papunta sa Purgatoryo. Nagmayabang ang bawat isa tungkol sa dami ng kanilang mga naipon para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.

           Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay dumating si Sisa, ang ina ng magkapatid na Crispin at Basilio. Siya ay sumadya sa simbahan upang tanungin si Padre Salvi tungkol sa anak na si Crispin na nagsisilbing sakristan ng pari.

Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:

brainly.ph/question/2141538

#LearnWithBrainly


Comments

Popular posts from this blog

1.)Jay Drops A Stone From Rest At The Top Of 55m Tall Building.With What Velocity Does It Hit The Ground?, 2.) A Ball Drops Freely From The Roof Towar

What Is The Definition Of Social Justice?

A Companys Fixed Cost Is 120000. It Cost The Company 280 To Prduce Each Unit Of Its Product And It Sells Each Unit For 310